
Plano ng grupong Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (MANIBELA) na magkasa ng tatlong araw na tigil pasada sa susunod na linggo.
Ayon kay Mar Valbuena, tugon ito sa panggigipit sa kanila ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na pinahihirapan sila sa pagproseso ng mga dokumento.
Aniya, taliwas ito sa commitment ng Department of Transportation (DoTr) magmula noong si Sec. Vince Dizon pa ang kalihim ng kagawaran
Isasagawa nila sa Martes, Miyerkules, at Huwebes (December 9-11) ang tigil pasada na sasalihan din ng iba pang grupo.
Dahil dito, sinabi ni Valbuena na posible pa mapalawig ang kanilang hakbang depende sa sitwasyon.
Umapela naman ng pang-unawa sa publiko ang MANIBELA dahil apektado rin ang mga pasahero sa panggigipit sa kanila









