Manibela, nakipagdayalogo sa LTFRB ngayong araw para sa P1 provisional fare increase

Naging mabunga ang pakikipagdayalogo ng grupong Manibela sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB kaugnay ng ₱1 provisional fare increase.

Sa panayam ng RMN Manila kay Manibela Chairman Mar Valbuena, nakausap mismo nila kanina si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Vigor Mendoza II at mayroon silang hirit para hindi na muna ipatupad ang taas-pasahe sa mga susunod na araw, linggo o buwan.

Aniya, hindi kasama ang kanilang grupo sa humiling ng taas pasahero kayat hiniling na lamang nilang magkaroon ng fuel subsidy sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon.

Aniya, malaking bagay kung magkakaroon ng subsidiya sa langis para hindi na maapektuhan ang mga commuter lalo na ngayong nagtataasan pa rin ang presyo ng mga bilihin.

Una rito, isinumite na ng LTFRB sa Department of Transportation o DOTr ang kanilang rekomendasyon kaugnay sa hiling na taas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Sinabi ni Mendoza na kumpleto na ang mga report mula sa lahat ng rehiyon sa bansa at nire-review na nila mga feedback at resulta ng ginawang konsultasyon.

Facebook Comments