MANIBELA Pres. Mar Valbuena, dumulog sa CIDG

Nagpa-blotter sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si MANIBELA National President Mar Valbuena.

Sinamahan si Valbuena ni LABAN Transportation Network Vehicle Service (TNVS) President Jun de Leon.

Nag-ugat ang paghahain ng blotter ni Valbuena dahil umano sa pagbabanta ni Transportation Department Secretary Jaime Bautista na magsasampa ng kaso laban sa kanya.


Ito ay makaraang isiwalat ng whistleblower na si Jeff Tumbado na di umano’y nagde-deliver ng pera kay Bautista si suspended Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofilo Guadiz III.

Una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na handa silang magbigay ng seguridad kay Valbuena kung hihilingin ito sa pulisya.

Facebook Comments