
Lumagda ng Manifesto para sa Soberanya, Hustisya at Kalayaan ang ilang taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ng Biyernes.
Kasabay ito ng ika-walumpung kaarawan ng dating Pangulo ngayong araw kung saan nagtipon-tipon upang magpahayag ng kanilang pagbati at suporta ang ilang supporters nito sa Kamuning sa Quezon City.
Sa manifesto na nilagdaan ni Atty. Greco Belgica at ng iba pang tagasuporta, nakasaad na mariin nitong kinokondena ang pag aresto sa dating pangulo matapos na maglabas ng Warrant ang ICC at itinuturing anila itong iligal.
1. Letters to Presidents Trump, Putin, Xi Jin Pin, PM Netanyahu
2. Launching of Online signature campaign
3. Manifesto signing and launching of Signature campaign
Ayon sa grupo, pinahina umano ng pag aresto kay Duterte ang Soberanya ng bansa matapos na umatras ang Pilipinas mula sa ICC kayat itinuturing anilang wala ng Bisa ang Warrant.
Sa nilagdaang Manifesto ng grupo, nananawagan ang mga ito na ibalik sa Pilipinas si Duterte at iginiit na anumang legal na paglilitis laban sa kanya ay dapat isagawa lamang sa Korte ng Pilipinas.
Nananawagan din ang grupo sa pagbibitiw sa pwesto ni PBBM dahil sa umanoy paglabag nito sa Konstitusyon.
Nakasaad din sa Manifesto na nangangako ang mga ito na magsasagawa ng mga mapayapang protesta, mangangampanya para sa mga kandidatong iniendorso ni Duterte sa nalalapit na halalan sa mayo 2025, at poprotektahan umano nila ang kanilang mga boto laban sa mga posibleng umano’y pandaraya sa eleksyon.