Manila, Philippines – Umakyat ang gastos ng pamumuhay o cost of living sa Manila.
Base sa pag-aaral na inilabas ng Economic Intelligence Unit (EIU) – mula sa 133 siyudad sa buong mundo, ang Manila ay 92nd “most expensive city” para mamuhay at tirhan.
Tumaas ang siyam na ranggo ang bansa pagdating sa cost of living.
Ayon kay Roxana Slavcheva – mabilis ang itinaas ng bansa at humahanay sa emerging economy cities gaya ng Kuala Lumpur (Malaysia), Bangkok (Thailand), Phnom Penh (Cambodia) at Hanoi (Vietnam).
Ang pag-angat ng mga nabanggit na siyudad kabilang ang Manila ay bunsod na rin ng economic growth noong nakaraang taon.
Ang 10 siyudad na may pinakamahal ang pamumuhay sa mundo ay sumusunod:
- Singapore, Singapore
- Paris, France
- Hong Kong, China
- Zurich, Switzerland
- Geneva, Switzerland
- Osaka, Japan
- Seoul South Korea
- Copenhagen, Denmark
- New York, USA
- Tel Aviv, Israel
- Los Angeles, USA
Ang 10 siyudad na may pinaka-abot kaya o mura ang pamumuhay sa mundo ay sumusunod:
- New Delhi, India
- Chennai, India
- Buenos Aires, Argentina
- Lagos, Nigeria
- Karachi, Pakistan
- Bangalore, India,
- Almaty, Kjazakhstan
- Tashkent, Uzbekistan
- Damascus, Syria
- Caracas, Venezuela