Nanawagan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa publiko na ugaliing manalangin ng banal na rosaryo araw-araw.
Ito’y kasunod ng selebrasyon ng Month of Holy Rosary ngayong Oktubre.
Ayon kay Cardinal Advincula, maraming himala na maiugnay sa pagdarasal ng banal na rosaryo partikular sa mga oras na ito sa gitna ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.
Matatandaan na inilunsad ni Pope Francis ang Healing Rosary for the World laban sa COVID-19 noong Abril ng nakaraang taon upang manalangin para sa pagtatapos ng pandemya.
Sinabi naman ni Cardinal Advincula na maraming mga pagkakataon sa kasaysayan ng hustisya, pag-galing at kalayaan ay nanaig sa pamamagitan ng pagdarasal ng banal na rosaryo na nagsimula matapos ipakilala ng Santo Papa ang rosaryo kay Saint Dominic.
Ang mga mananampalataya ay maaaring sumali sa pagdarasal ng rosaryo sa ganap na alas-4:00 ng umaga at sa alas-9:00 ng gabi.
Idineklara ni Pope Leo XIII ang October bilang buwan ng holy rosary noong 1884 habang ang Feast of the Most Holy Rosary naman ay sa October 7, 2021.