Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, wala nang nararamdamang sintomas ng COVID-19

43

Kinukumpleto na lamang ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula
ang kanyang quarantine period matapos magpositibo sa COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni Father Reginald Malicdem, ang Chancellor ng Archdiocese of Manila.


Una nang nag-positibo sa COVID-19 si cardinal Advincula noong September 17 kayat agad itong nag-quarantine.

Maliban naman sa sinat, walang ibang sintomas na naramdaman ang 69 na taong gulang na cardinal.

Si cardinal Advincula ay fully vaccinated.

Facebook Comments