Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, hinimok ang mga Pilipino na ipagdasal ang mga naaapektuhan ng Bagyong Ursula

Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga Pilipino na isama sa kanilang panalangin ang mga residente ng Visayas at Mindanao na naaapektuhan ng Bagyong Ursula.

Sa ginanap na Christmas Eve Mass sa Manila Cathedral, ayon kay Tagle, sa pamamagitan ng pakikiisa sa kanila, pananalangin ay makakarating sa mga apektadong residente ang diwa ng sambayanan.

Nanawagan din si Tagle sa mga Pilipino na itigil pagkukunwari at pagmamataas.


Gawing halimbawa si Hesukristo at mamuhay na may kapayapaan at katarungan.

Facebook Comments