Manila, Philippines – Huhugasan ni Manila Archbishop Luis AntonioTagle ang mga paa ng labing dalawang tao sa Huwebes Santo (April 13).
Gaganapin ang ‘washingof the feet” dakong alas-singko ng hapon ng Holy Thursday, sa Manila Cathedral,Intramuros.
Pero bago ito aypangungunahan muna ni Cardinal Tagle ang isang misa.
Kabilang sa mgahuhugasan ng mga paa ang ilang dating drug addicts, pulis, drug surrenderers,ilang opisyal ng pamahalaan, volunteers at ilang kaanak ng mga biktima ngumano’y Extra Judicial Killings o EJKs.
Tuwing Huwebes Santo,kadalasang hinuhugasan ng mga pari ang mga paa ng labing dalawang tao opaggunita sa labing dalawang apostoles ni Hesu Kristo.
Nauna nang kinondena ni CardinalTagle at iba pang mga opisyal ng simbahan ang resulta ng kampaniya kontrailegal na droga ng Administrasyong Duterte.