Manila-based Drug Seller na Nasamsaman ng Milyong Pisong Marijuana,Arestado

29

Cauayan City, Isabela- Nasabat ng mga otoridad sa isang drug courier ang bloke-blokeng marijuana bricks sa inilatag na checkpoint sa Sitio Ampawilen, Poblacion, Sadanga, Mountain Province ngayong araw, June 3, 2021.

Sa ulat ng PNP Cordillera, umabot sa 15 marijuana bricks ang nakumpiska sa suspek na kinilalang si Rodler Jimenez Cacapit, 21-anyos, at residente ng Tondo, Manila.


Nadakip ang binata ng pinagsanib na pwersa ng Sadanga Municipal Police Station, Mountain Province Provincial Police Office, at PDEA-Mountain Province.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, minamaneho ng suspek ang pampasaherong sasakyan mula sa Kalinga ng makumpiskahan ito ng nasabing droga sa ikinasang Intelligence-Driven Checkpoint.

Inamin umano ng suspek na bahagi siya ng Manila-based drug sellers.

Tumitimbang ng higit 15kilos ang nasabat na marijuana na tinatayang aabot sa mahigit P1.5 milyon habang kinumpiska rin ang cellphone at Driver’s license nito.



Dinala na sa Mt. Province Provincial Crime Laboratory ang suspek para isailalim sa medico-legal at drug test.


Nahaharap ang binata sa kasong paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa pagbibiyahe ng illegal drugs.

Facebook Comments