Patuloy na naglilinis ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang baybayin ng Manila Bay Dolomite Beach.
Ito’y matapos na inanod ang tambak na basura matapos ang ilang araw na pag-uulan.
Bukod sa mga tauhan ng MMDA at DENR, tumutulong rin sa paglilinis ang mga empleyado ng Manila Department of Public Service at ilang mga volunteers.
Sako-sakong mga basura gaya ng plastic, styro at mga sirang kahoy ang nahakot sa Dolomite Beach kung saan hindi titigil ang MMDA at DENR sa paglilinis upang maging kaaya-ayang tignan ang nabanggit na lugar.
Nabatid na dahil sa ilang araw na pag-uulan, sari-saring basura ang napadpad sa bayabayin ng Manila Bay Dolomite Beach.
Pero sa kabila nito, pinapayagan pa rin ang pagtungo dito ng publiko subalit hindi sila maaaring magtampisaw sa dagat.