Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na hindi pa rin maaring liguan ang Manila Bay.
Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, may kautusan ang Korte Suprema na kinakailangang linisin ang tubig sa Manila Bay at maibalik ito sa “swimmable quality.”
Aniya, layunin ng isinagawang clean-up sa Manila Bay noong Linggo ang ipaalala sa lahat na responsibilidad ng bawat isa ang panatilihin ang kalinisan ng kanilang kapaligiran.
Mababatid na viral ngayon sa social media ang Manila Bay matapos ang isinagawang malawakang clean-up.
Facebook Comments