Manila bay, muling lilinisin sa Sabado

Kasado na ang muling gagawing malawakang paglilinis sa Sabado sa Manila bay na tinaguriang Battle for Trash-Free Manila Bay.

Ang International Coastal Clean Up o ICC ay pangungunahan ng DENR, pribadong sektor at 10, 000 volunteers.

Ang ICC ay isinasagawa tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre at papatak ito ngayong taon sa September 21.


Inorganisa ito ng Ocean Conservancy, isang Washington based non-profit organization na sinimulan noon pang 1986.

Taong 1994 nang lumahok ang Pilipinas sa taunang paglilinis ng mga baybaying dagat.

Partikular na lilinisin ang baybayin sa Baseco, Tondo, Las Pinas,  Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area, SM by the Bay sa Pasay City, Navotas Centennial Park, Gloria Maris area sa CCP Complex, at riverbank sa PUP Sta. Mesa Maynila.

Facebook Comments