Manila Bay, nananatiling mataas ang fecal coliform bacteria

Manila, Philippines – Sa kabila ng patuloy na paglilinis sa Manila Bay, nagbabala ngayon ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) na bawal pa rin maligo dito.

Ayon sa Laguna Lake Development Authority (LLDA), nananatiling mataas kasi ang antas ng fecal coliform bacteria sa Manila Bay, base sa resulta ng ginawa nilang pagsusuri sa mga kinuhang water sample.

Nabatid na para malamang ligtas ang bacteria level sa Manila Bay ay kailangan na hindi ito hihigit sa 100 mpn per 100 milliliters na coliform level.


Binigyan naman ng Manila City Hall ng isang linggo ang mga establishimento para ayusin ang kanilang water treatment facilities.

Nauna nang sinabi ng LLDA na aaraw-arawin nila ang pagkuha ng water sample sa Manila Bay bilang bahagi ng patuloy na paglilinis sa kalidad ng tubig sa lawa ng Maynila.

Facebook Comments