Inanunsiyo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na posible nang paliguan ang Manila Bay sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June, 2022.
Ito ay dahil sa bumaba na ang kalidad ng tubig sa Manila Bay kaya’t magiging ligtas na para paliguan at sa iba pang uri ng contact recreation sa Hunyo.
Ayon kay DENR Spokesperson at Undersecretary for Policy, Planning, and International Affairs Atty. Jonas R. Leones, mula sa billions bumaba na sa thousands hanggang hundreds ang coliform level ng Manila Bay.
Aniya, ang pagbaba ng coliform level ay bunsod ng patuloy na dredging operations ng ahensiya, pagpapasara sa illegal outfalls, at treatment ng wastewater na itinatapon sa Manila Bay.
Umaasa ang DENR na sa sandaling payagan na ang publiko na maligo sa Manila Bay, hihigpitan ng ahensiya ang mga tutungo rito upang maiwasan ang pagkakalat para mapangalagaan ang kalinisan at kagandahan nito.