Manila, Philippines – Inirekomenda ni House Committee on Ecology Chairman Dakila Cua sa gobyerno na ipaliwanag sa publiko ang ginagawang rehabilitasyon sa Manila Bay.
Ayon kay Cua, hindi maiiwasan na may mga kritiko na aangal sa proyekto lalo na ang mga sinasabing direktang matatamaan ng rehabilitasyon.
Aniya, kung maipapaliwanag sa mga tumutuligsa ang rehab ay tiyak na titigil din ang mga ito pag naipakita na hindi pansariling interes ang paglilinis sa Manila Bay.
Suportado naman ng komite ni Cua sa Kamara ang Manila Bay rehab at nakahanda silang bumalangkas at magpasa ng batas para maituloy-tuloy ang nasimulan ng Duterte administration.
Sa huli aniya ay kapakanan ng publiko at ng susunod na henerasyon ang pinapahalagahan sa paglilinis ng Manila Bay.