Manila Bay rehab, sisimulan na bukas

Manila, Philippines – Aarangkada na bukas, January 27 ang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda – may mga isasarang establisyimento na malapit sa look.

Aniya, mahigit 200 gusali kabilang ang mga condominium, hotel, restaurant at shopping center ang nasa inisyal na listahan ng DENR ang deretsong nagtatapon ng waste water sa Manila Bay.


Gagawin ng DENR ang kanilang estilo gaya sa Boracay kung saan kakanselahin ang permits ng mga pasaway na establisyimento.

Unang lilinisin ng DENR ang Estero de San Antonio de Abad na may mataas na lebel ng fecal form.

Sisitahin din ng DENR at ng DILG ang mga Local Government Unit (LGU) na naging pasaway sa pagpapatupad ng mga environmental laws.

Maaaring bigyan ng show cause order ang dalawang siyudad sa Metro Manila sa unang araw ng Manila Bay rehab.

Facebook Comments