Manila Bay Rehabilitation, magpapatuloy hanggang 2022  

Tiniyak ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) na magpapatuloy ang Manila Bay Rehabilitation hanggang 2022.

Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, nananatiling naka-‘full swing’ ang Rehabilitation efforts.

Target aniya ng gobyerno na maibalik ang dating ganda at sigla ng Manila Bay kung saan pwedeng paglanguyan at iba pang Contact Recreation.


Ang unang phase ng Rehabilitation Program ay Clean-Up at Water Quality Monitoring.

Ang mga susunod na Phase ay Relocation, Rehabilitation, at Education, Protection at Sustainment.

Mula nitong September 2019, ang Environmental Management Bureau ng DENR at Laguna Lake Development Authority ay nakapag-inspeksyon ng 9,708 Commercial Establishment sa Manila Bay.

Mula sa nasabing bilang, 2,478 ang naisyuhan ng Notice of Violation at 107 ang pinatawan ng Cease and Desist Orders.

Mula nang umpisahan ang Rehabilitation nitong Enero, ang DENR ay nakapagkolekta ng 2.3 Million Kilogram ng basura sa Manila Bay.

Facebook Comments