Manila, Philippines – Lumabas sa isang pag-aaral ng Al Jazeera na ang Manila Bay ay tapunan ng mga napapatay sa kampanya kontra droga.
Batay sa Al Jazeera, nag-interview sila ng mga mangingisdang nagsabing nagtatapon sila ng mga bangkay ng mga drug suspek sa Manila Bay sa utos na rin ng pulsiya.
Isa anila sa mangingisada ang nagsabing 20 katawan na ang kaniyang naitapon sa utos ng pulis.
Hindi naman tinukoy sa artikulo kung sino at saan naka-aasign ang tinutukoy na pulis.
Pero ayon kay Senior Supt. Danny Macerin, MPD Chief of Directorial Staff, tatlong katawan lang ang kanilang na-recover sa Manila Bay noong 2016.
Aniya, wala pang nakukuhang bangkay sa Manila Bay ngayong taon.
Sinabi naman ni Deputy Sec. Menardo Guevarra ng Office of the Executive Secretary na hearsay lang ang naturang alegayson ng Al Jazeera.