Hindi lamang paglalagay ng dolomite sand ang hakbang ng pamahalaan para maibalik ang dating ganda ng Manila Bay.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na tataniman din ng mga puno ng niyog ang Manila Bay.
Ngayong araw, pangungunahan ni Cimatu ang planting activity sa baywalk area sa Roxas Boulevard, Manila.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng clean-up at rehabilitation ng Manila Bay.
Nasa 389 million pesos ang budget para sa pagpapaganda ng Manila Bay.
Ang coconut trees at palm trees ay ginagamit ng mga resorts sa buong mundo para magbigay ng “paradise feel” sa mga tourist destination.
Facebook Comments