Nanindigan ang Environmental Management Bureau (EMB) na ang Manila Bay “Beach Nourishment” Project ay itinuturing na enhancement activity.
Ang EMB ay ahensyang nakapaloob sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon kay EMB Officer-in-Charge Director William Cuñado, ang certificate of non-coverage ay inisyu ng dating EMB Director.
“This is more of an enhancement project as the previous director has classified. I also looked at it and it thus falls under this category,” sabi ni Cuñado.
“This project is not under the environmental impact assessment system because this is an enhancement project, there is no need for the environmental impact study. This is a nourishment of the area so it falls under enhancement projects,” dagdag pa ni Cuñado.
Ang certificate of non-coverage ay ang dokumento na iniisyu ng Department of Environment And Natural Resources (DENR) kung saan ang proyekto ay hindi sakop ng Philippine Environmental Impact Assessment System.
Ibig sabihin, hindi kinakailangang kumuha ng environmental compliance certificate (ECC) bago simulan ang aktibidad.
Ang pahayag ng EMB ay salungat sa inilabas na pahayag ng DENR na ang proyekto ay pumasa sa environmental impact assessment.