Tiniyak ng bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Jim Sapulna na tuloy pa rin ang Manila Baywalk Dolomite Beach Project.
Ito ay sa matapos magretiro si dating Secretary Roy Cimatu dahil sa kaniyang kalusugan.
Ayon kay Sapulna, nasa halos 500 hanggang 600 metro na lamang ng Manila Bay ang lalagyan ng dolomite sand.
Maliban dito, tuloy rin ang rehabilitation projects sa Boracay Beach kung saan suportado ng DENR ang pag-alis sa single-use plastics.
Sa huli, nanawagan ito sa publiko na ang dapat ihalal ang kandidatong ‘environment-friendly’at huwag ang mga maninira lamang ng kalikasan.
Facebook Comments