Manila Baywalk Dolomite Beach, sarado na ngayong araw hanggang November 3

Sarado na simula ngayong araw ang Manila Baywalk Dolomite Beach.

Magtatagal ito hanggang sa miyerkules, November 3 para maiwasan ang siksikan ngayong long weekend.

Nilagyan na ng mga pulis ng yellow caution tape ang entrance ng beach para hindi na makapasok ang mga tao.


Marami ring nasa Baywalk ang nagbabalak na mag-exercise at mag-bike pero pinapaalis rin sila ng mga pulis.

Sa kabila naman ng pagsasara ng beach, may mga nagpapakuha pa rin ng picture pero sa labas na lamang ng gate o sa kalsada na ng Roxas Boulevard.

Batay sa datos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), umabot sa 120,000 ang mga bumisita sa Dolomite Beach nitong Linggo kaya hindi na nasunod ang mga health protocol.

Dahil sa insidente, ipinagbawal na ang mga bata edad 11 pababa na makapasok sa artificial beach.

Facebook Comments