Manila Chooks TM, bigo sa qualifying draw stage ng 2021 FIBA 3×3 World Tour sa Doha, Qatar

Bigo ang Manila Chooks TM sa qualifying draw stage ng 2021 FIBA 3×3 World Tour sa Doha, Qatar matapos matalo ng Graz, Austria sa iskor na 22-17.

Ayon kay Point Guard Player Mac Tallo, nahirapan silang mapanatili ang kanilang depensa dahil matatangkad na Austrian players na kanilang nakaharap sa laro.

Aniya, bagama’t lumamang sila sa simula ng laro na score na 8-4 ay nakabawi naman ang Austria sa iskor na 18-16.


Sinbukuan pa aniya nilang bumangon pero naging matindi ang opensa at depensa ng katunggaling koponan.

Facebook Comments