Manila City government, bumili ng mga rescue boats para sa tag-ulan

Umaabot sa 80 rescue boats ang binili ng Manila City government bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan.

30 sa nabanggit na mga rescue boats ay naiturn over na sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO.

Ayon kay MDRRMO Director Arnel Angeles, magagamit ang nasabing mga rescue boats sa mga rescue operations na isasagawa ng lokal na pamahalaan sa mga emergency situations.


Ang bawat rescue boat ay kayang magsakay ng hanggang sampung katao at pwedeng gamitin sa mga lugar na ang baha ay may matatalas na debris kung saan hindi uubra ang mga rubber boats.

Sabi ni Angeles, prayoridad din sa pagbibigyan ng rescue boats ang nasa 40 na mga barangay sa lungsod na madaling bahain.

Dagdag pa ni Angeles, magagamit din ang nasabing mga rescue boats sa search and rescue operations sa coastal areas sa lungsod gayundin sa clean-up operations sa mga creeks at ilog.

Facebook Comments