Manila City Government, inaalam kung may panangutan ang demolition contractor sa pagguho ng isang hotel building na ikinamatay ng dalawang trabahador

Nakikipag-ugnayan na ang Manila City Government sa pamunuan ng Sogo Hotel kasunod ito ng pagkamatay ng dalawang katao nang mabagsakan ng biga at iba pang malalaking tipak ng bato sa ginigibang gusali sa Malate.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, aalamin nila kung may pananagutan sila sa nangyaring trahedya.

Pansamantalang ihihinto ang demolisyon ng gusali dahil dadaan ito sa Pagsusuri ng City Engineering Office.


Kabilang din sa aalamin kung nasunod ang safety standards at kung mayroong Safety Officer sa demolition site.

Napag-alamang pag-aari ng golden breeze realty corporation ang gusali.

Samantala, iginiit ni Hotel Sogo CEO Augusto Corpus, na mahigit isang taon nang nakasara ang gusali at nasa proseso ng demolisyon.

Nakausap na rin nila ang demolition contractor at tiniyak na tutulungan ang mga nasugatan sa insidente.

Facebook Comments