Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Manila City Government ang pagsasagawa ng inspeksyon sa lahat ng mga medium at high-rise building sa lungsod.
Kasunod ito ng nangyaring sunog sa isang condominium sa Alvardo Street sa Binondo kanina.
Sa inisyal na report ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa unit 805 matapos mapabayaan ng mag-ina ang kanilang niluluto.
Agad naman itong itinaas sa ikalimang alarma makaraang kumalat na rin ang apoy sa ika-pito at ika-siyam na palapag ng gusali.
Sampung mga bata at matatanda ang nailikas habang isang sunog na bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima ang natagpuan sa unit 804.
Under control na ang sunog.
Facebook Comments