Manila City Government, kukuha ng karagdagang healthcare workers at bagong medical equipment kontra COVID-19

Nangangailangan ng karagdagang healthcare workers ang Manila City Government bilang paghahanda sa pagpasok ng ‘new normal’ sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ipinag-utos na ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa Manila City Local Government Unit (LGU) – Finance Committee ang pagbibigay ng prayoridad sa pagkuha ng mga bagong healthcare workers na makakatulong sa kanilang workforce sa kampanya kontra COVID-19.

Bibili rin ang Manila City Government ng karagdagang medical equipment para palakasin ang kanilang mga programa sa pagsugpo sa COVID-19 pandemic.


Plano rin ng pamahalaang lungsod ng Maynila na magtayo ng sarili nitong testing laboratory at bumili ng mga makabagong medical equipment at gamit ng kanilang mga frontliners tulad ng Computed Tomography (CT) scanners, Electrocardiogram (ECG) at operating microscopes.

Kabilang sa mga kinakailangang bagong healthcare workers ang mga nurse, medical technologists at mga doktor.

Facebook Comments