Sa mga susunod na araw ay ipapatupad na sa Manila ang uniform na ‘Manila Resident Information System (MRIS) ID card’ na maaari nilang magamit sa transaksyon sa public at private offices sa lungsod.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, sa pamamagitan ng nasabing identification system, mapapadali ang paghahanap at pagtatago ng records ng mga residente ng Maynila.
Mapabibilis din ng sistema ang pagbibigay ng basic needs at serbisyo.
Sa ilalim ng sistema, lahat ng residente ng Maynila ay bibigyan ng ID na magiging balido sa loob ng isang taon.
Ang mga residenteng mag-a-apply ng MRIS ay kailangang magsumite ng Proof of Residency sa City Validation Office tulad ng valid ID card, birth certificate, utility bill, proof of lease, pay slip, passport at iba pang katibayan.