Inanunsyo ng Manila City Government na itinaas na nila sa 250 million pesos ang kanilang inilaang pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccine mula sa P200 million pesos.
Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, patuloy rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pharmaceutical companies na nagde-develop ng bakuna kontra COVID-19.
Tiniyak din ni Moreno na gagamitin nila ang protocol ng Department of Health (DOH) hinggil sa kung sino ang dapat bigyan ng prayoridad sa bakuna.
Gagawa rin aniya ang Manila City Government ng ID system at website para matukoy kung sinu-sino ang mga dapat unahin sa bakuna.
Ayon pa kay Moreno, maging siya ay magpapabakuna rin para matiyak kung ligtas talaga ito.
Facebook Comments