Manila City government, nagbabala sa mga nagtatapon ng basura sa Manila Bay; tonetoneladang basura, inanod sa break water

Manila, Philippines – Umaangal ang mga namamasyal at nagjo-jogging sa Manila Bay dahil sa napakasangsang na amoy na nalalanghap nila habang namamasyal at nagjo-jogging sa Baywalk sa Roxas Blvd. sa Maynila.

Ang dahilan ay matagal ng prolema na tone-toneladang basura na inanod sa breakwater ng Manila Bay.

Halo-halong basura na ang inaanod dito at ang tubig ng dagat ay nakapa-itim na.


Hindi mapapansin ang mga basurang ito kapag nasa Roxas Blvd. pero kapag lumapit doon tatambad agad ang matinding tambak ng basura mula sa may gilid ng US embassy hanggang sa may Manila Yacht Club.

Dahil ditto, nagbanta si Manila Mayor Joseph Estrada na mayroong kaakibat na community service o multa ang sinumang mahuhuling nagtatapon ng basura.

Paliwanag ng alkalde, kahit araw-arawing ng Manila Department of Public Service ang kanilang ginagawang clean up drive dito at tumutulong na rin ang MMDA, ay hindi pa rin mauubos-ubos ang mga basura dahil parang may dumadating na bago.

Kapansin-pansin sa tuwing hahampas ang malalaking alon dahil sa habagat ay sangkaterbang basura ang kasakasama nito at inaanod sa breakwater ng Manila Bay.

Facebook Comments