Manila City Government nagbanta sa mga mall owners na ipasasara ang mga establisementong nag ooperate na walang kaukulang lisensya

Nagbanta si Manila City Mayor Isko Moreno na agad niyang ipasasara  ang mga malls na pinoprotektahan ang mga business establisemento ng walang kaukulang permit.

Ang pagbabanta ay ginawa ni Mayor Moreno matapos ibunyag ng COA na mayroong 1,400 na mga establisemento sa Maynila na nag ooperate ng walang permiso mula sa Manila City Government.

Ayon kay Moreno mas mainam pa aniya ang mga vendor ay nagbabayad pa ng etneb o bente pesos samantalang ang mga negosyante nasa Malls ay hindi nagbabayad ng buwis sa Manila City Government.


Giit ng alklade na lahat aniyang mga mall na matatagpuan ng Manila City Government na may nangungupahan sa mga Mall na walang business permit ay mayroong kaakibat na parusa sa mga may ari ng malls dahil kinakanlong aniya nila ang mga illegal vendors o illegal transaction sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments