Manila, Philippines – Binalaan ng pamunuan ng Manila City Govt. ang 17 public market sa lungsod na nagsasamantala ngayon papalapit ang holiday season.
Upang matiyak na walang pagtaas ng presyo ng mga produktong pang Noche Buena nagsasagawa na ngayon ng pag-iikot ang mga tauhan ng Market Administration Office ng Manila City Hall sa lahat ng mga pampublikong palengke sa lungsod.
Ayon kay Market Administration Office Chief Annie Balboa bumuo na siya ng mga grupo na siyang mag inspection sa 17 Public Market sa Manila upang tiyaking walang mga negosyanteng ang mananamantala sa mga mamimili lalot papalapit na ang pasko.
Pinayuhan nila ang mga consumer na dumulog agad sa Manila City Govt. kapag mayroon silang nalalaman na mga tindera na nagsasamantala ng kanilang mga paninda upang mabigyan agarang aksyon.