Manila City Government, nagbayad na ng P38.4-M para sa AstraZeneca COVID vaccines

Kinumpirma ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nakapagbayad na ang Manila City Government ng P38.4 million para sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19 sa AstraZeneca.

Ayon kay Moreno, ito ay 20 percent na advance payment ng Maynila sa mga bibilhing bakuna.

Kabuuang 800,000 doses ng AstraZeneca anti-COVID vaccines ang bibilhin ng nasabing lungsod.


400,000 individuals naman ang mabibigyan ng nasabing bakuna na tig-dalawang doses kada tao.

Una nang tiniyak ni Moreno na siya mismo ang unang magpapabakuna sa harap ng publiko para maipakita na ligtas ang bakuna.

Facebook Comments