Manila City Government, naghahanap ng mga mananahi ng face mask

Nangangailangan ang Manila City Government ng 100 mananahi ng face mask at 20 master cutter na edad 21 hanggang 59 at residente ng lungsod.

Base sa anunsyo ng Public Employment Service Office (PESO), ang maha-hire na mananahi at master cutter ay maaaring kumita ng hanggang ₱2,000 kada araw.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, mula sa donasyong salapi na natanggap ng pamahalaang lokal ay bumili sila ng 50 sewing machine na gagamitin sa paggawa ng washable face masks.


Ang nabanggit na mga makina para sa pagtatahi ay nakalagay ngayon sa Unibersidad de Manila.

Target ni Mayor Isko na makagawa sila ng isang milyong face masks para ipamahagi sa 670,000 pamilya sa lungsod bilang proteksyon laban sa COVID-19.

Facebook Comments