Manila City Government, nagpasaklolo ng 10 libong volunteers para sa paglilinis ng basura sa Manila Bay

Manila, Philippines – Humingi na ng tulong ang Manila City Government kung saan nangangailangan sila ng 10 libong volunteers para sa paglilinis ng mga basura na inanod sa breakwater ng Manila Bay.

Ayon kay Che Borromeo, head ng Manila Task Force Clean-up, bagamat may araw-araw silang paglilinis na ginagawa, kailangan pa rin nila ang tulong ng publiko para mapadali ang paglilinis sa tila walang katapusang pagsulpot ng mga basura sa Manila Bay.

Kaninang umaga, bukod sa mga dati nang basura tulad ng mga plastic at kahoy, may inaanod na rin na mga patay na hayop at nadagdagan pa ng sangkaterbang water lilies.


Sa pagtaya ng Manila Task Force Clean-up nasa mahigit 200 tonelada pa ng basura ang nakatambak ngayon sa may breakwater ng Manila Bay sa may Roxas Blvd.

Isasagawa ang malawakang clean up drive sa September16 kung saan isasabak ang mga volunteer upang maghakot ng sangkaterbang basura.

Facebook Comments