Manila City Gov’t, nag-alok ng P100K pabuya sa sinumang makapagtuturo sa nagtapon ng dumi ng tao sa Maynila

Manila, Philippines – Nag-alok na ng P100,000 pabuya sa sinumang makapagturo sa drayber, pahinante at operator ng siphoning truck na nakuhanan ng CCTV na nagtapon ng dumi ng tao sa isang bahagi ng P. Ocampo Street sa Malate, Maynila.

Ayon naman kay MPD District Director  General Vicente Danao  Jr., mas mainam na lumantad na lamang ang mga suspek at  sumuko na lang nang maabisuhan ng tama dahil kung siya aniya mismo ang makakahuli rito ay tiyak ipapainom niya sa mga ito ang kanilang mga itinapong dumi ng tao sa Maynila.

Paliwanag ng heneral walang ligtas ang siphoning truck na nagtapon ng dumi ng tao dahil kitang-kita sa CCTV camera ang ginagawang pagtatapon.


Naniniwala naman si Manila Mayor Joseph Erap Estrada na posibleng may kinalaman sa politika ang ginagawang pagtatapon ng drayber ng siphoning truck upang masira ang imahe ng lungsod ng Maynila.

Facebook Comments