Manila City Gov’t pabor sa reklamasyon sa Manila Bay

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Manila City Government na hindi sila tutol sa planong reclamation sa Manila Bay.

Sa ginanap na forum sa kapihan sa Manila Bay sinabi ni Atty. Jojo Alcovendaz, Manila City Administrator naipaliwanag naman ng Manila City Government sa mga informal settlers kung ano ang kanilang gagawin kung saan inaantay na lamang ang kanilang malilipatan.

Paliwanag ni Alcovendaz na napakadali sanang tanggihan ni Mayor Joseph Estrada ang usapin ng reklamasyon pero nakita aniya ni Erap na malaki ang pakinabang dito ng city government na makapaglikha ng maraming trabaho at matitiyak pa na tuloy-tuloy ang libreng pagpapaaral sa mga kabataang mahihirap.


Giit ng opisyal na maging ang housing unit ay hindi na umano iaasa pa sa national government kung matutuloy ang reklamasyon sa Manila Bay.

Facebook Comments