Manila City Health Office, nagsagawa ng inpeksyon sa mga pasilidad ng ice distributors

Manila, Philippines – Nagsagawa ng inpeksyon ngayon ang ManilaCity Health Office sa mga pasilidad ng ice distributors para malaman kungpasado ito sa sanitation standards.

Karamihan sa mga nasita ay ang kapabayaan sa kanilangpwesto na kung sana ang ibang yelo ay naka-imbak malapit sa comfort room at mganakatambak na lata ng pintura.

Ayon kay Manila City Health Officer Clemente San Gabriel,may posibilidad na mag-kontamina ang mga yelo at makapitan ng bacteria kungpababayaan lamang ito.


Ilan naman sa mga nasita ay ang kawalan ng mga healthcertificates ng kanilang mga trabahador na ang iba ay nahuli pang naninigarilyoat madumi at mahaba ang kanilang mga kuko.

Binigyan naman ng limang araw ng Manila City HealthOffice ang mga distrubtor ng mga yelo at kung sakaling hindi nila ito aayusinay mapipilitan silang ipasara ang kanilang negosyo.

 

Facebook Comments