Nakikipag-ugnayan na ang Manila Division of City Schools sa City Health Office ng Maynila kaugnay ng pagsisimula bukas ng implementasyon ng Executive Order No. 26 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at mga enclosed places.
sa panayam ng DZXL kay Dr. Wilfredo Cabral, sinabi niya na pinalalakas ng Executive Order number 26 ang Non-Smoking Ban Policy na matagal nang ipinatutupad nila sa loob at sa paligid ng mga eskwelahan sa lungsod ng Maynila.
May koordinasyon na aniya ang Manila division of City Schools sa City Health office ng Maynila upang bantayan ang mga tindahan sa labas ng mga eskwelahan gayundin ang mga nagbebenta sa tapat ng gate ng mga school campus.
Aniya, matagal nang bawal ang anumang uri ng bisyo sa mga opisina at sa loob at labas ng mga paaralan kung kayat madali lamang makatupad sa itinatakda ng EO ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang nagpalabas noong nakaraang taon ang kagawaran ng DepEd Order No. 48, Series of 2016, ang polisiya sa Comprehensive Tobacco Control.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558