Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), ilang araw bago ang Balik Eskwela 2023.
Kaugnay nito, ilang pampublikong paaralan ang isinasailalim sa misting and fogging operation upang mapanatiling ligtas ang mga paaralan laban sa mga lamok na maaaring magdala ng sakit gaya ng dengue.
Bukod dito, nais din masiguro ng lokal na pamahalaan ng Maynila na walang magiging problema ang mga mag-aaral at mga guro sa pagbabalik eskwela ng mga ito.
Tumutulong din ang Manila DRRMO sa pagsasa-ayos ng ilang pasilidad sa mga paaralan upang maayos itong magamit ng mga mag-aaral.
Maging ang labas at paligid ng bawat paaralan sa Maynila ay inaasikaso na rin ng Manila DRRMO.
Partikular ang mga kalsada, mga puno, parking lot at kada pader ay patuloy na inaayos ng Manila DRRMO.
Nanawagan naman ang Manila Local Government Unit (LGU) sa bawat magulang at mga tauhan ng barangay na makiisa sa isinasagawang paglilinis at pagsasaayos para na rin sa kapakanan ng mag-aaral.