Manila East Medical Center, tumanggi na maglabas ng medical bulletin ni BOC Commissioner Faeldon

Manila, Philippines- Tumanggi nang magbigay ng medical bulletin ang Manila East Medical Center kaugnay sa kalagayan ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Gayunpaman, una nang naglabas ng impormasyon ang ospital na nakalabas na sa Intensive Care Unit si Faeldon at nakalipat na ito sa private room.

Mag aalas 10 ng umaga ng magtungo dito sa ospital ang mga doktor mula sa kongreso para kumuha ng kopya ng medical bulletin ni Commissioner Faeldon bilang pagtalima rin sa utos ni Ways and Means Chairman Dakila Cua, kaugnay pa rin sa imbestigasyon ng kongreso sa nakalusot na illegal na droga sa BOC.


Sa kasalukuyan, bumubuti na ang pakiramdam ni Faeldon at posibleng makalabas na ito sa ospital ngayong araw.

Mahigpit pa rin ang seguridad dito dahil hindi nagpapapasok ng media.

Matatandaang Lunes ng dinala dito si Faeldon para sa isang dental procedure nang bigla na lamang itong nakarandam ng paninikip ng dibdib dahilan kung bakit ito kinonfine.

Facebook Comments