Manila Health Department, aminadong hirap na tukuyin ang mga nakasalamuha ng dalawang pasyenteng may Mpox sa kanilang lungsod

Kinumpirma ni Mayor Honey Lacuna na nagsasagawa na ng contact tracing ang Manila Health Department kaugnay sa mga nakasalamuha ng isang pasyente na nagpositibo sa Mpox na taga-Quezon City.

Ayon sa alkalde, nasa boundary lamang ng Maynila at Quezon City natukoy ang tinutuluyan ng ika-10 pasyente.

Ang nasabing pasyente ay unang nadiskubre na nanggaling sa isang spa sa Quezon City na kalaunan ay nagpositibo sa Mpox.


Aminado si Lacuna na hirap silang tukuyin ang mga nakasalamuha ng ika-10 pasyente kung kaya’t pinaiigting nila ang contact tracing.

Kaugnay nito, tiniyak niyang handa ang mga ospital na hawak ng Maynila para gamutin ang mga mahahawaan ng Mpox.

May inilaan din silang kwarto sa Tondo Medical Center at Ospital ng Maynila para agad asikasuhin ang sinumang makikitaan ng sintomas ng nasabing virus.

Facebook Comments