Manila Health Department, magsasagawa ng forum para ipaliwanag sa publiko ang kahalagahan ng pagiging handa sa COVID-19

Magsasagawa ng forum ang Manila Health Department kaugnay sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay Dr. Arnold Pangan – Chief ng Manila Health Department, ang mga forum na tinatawag nilang Guide to Action Against Coronavirus ay ginagawa nila upang ipaliwanag sa mga taga-Maynila ang kahalagahan ng pagiging handa laban sa COVID-19.

Sinabi pa ni Pangan na hindi lang dapat maging alerto ang mga Manileno sa nasabing virus kung di maging sa iba pang sakit na kadalasang nararanasan kapag panahon ng taglamig.


Kasama sa forum ang iba’t-ibang opisyal ng barangay at ilang residente sa Maynila kung saan kabilang sa mga ituturo ay ang tamang pagsusuot ng face mask at ibang preventive measures.

Bukod dito, inaasahan ni Pangan na masusundan pa ng ilang serye ng forum sa Maynila habang may banta pa din ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments