Manila International Airport Authority, handa na sa holiday travels peak

Tumataas na ang bilang ng local at international travels, halos isang buwan bago ang Pasko.

Ayon kay Bryan Co, assistant senior general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA), inaasahan nilang aabot pa sa 10% hanggang 15% ang itataas sa bilang ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport.

Wala naman aniyang magiging problema sa kapasidad ng NAIA dahil sa kasalukuyan, nakapagbibigay ito ng serbisyo sa humigit-kumulang 100,000 mga pasahero sa domestic at international flights.


Samantala, sinimulan na ng Philippine Ports Authority ang kanilang “Oplan Ligtas na Biyahe” bilang paghahanda sa holiday travels peak ngayong Pasko.

Ayon kay PPA general manager Jay Santiago, handa na ang mga pantalan sa pagdagsa ng mga magbabakasyon at nagtalaga na rin sila ng mga help desk aalalay sa mga pasahero anumang oras.

Facebook Comments