Manila International Auto Show, dinagsa ng publiko sa unang araw nito

Dinagsa ng mga car lovers ang taunang Manila International Auto Show na ginaganap sa World Trade Center sa Pasay City.

 

Ibat-ibang klase ng sasakyan ang ipinakita sa publiko kung saan isa sa mga inaabangan ang pagdating ng aktor na si Matteo Guidicelli sa booth ng Petron.

 

Bukod kay Matteo, ipinakita din ang mga sasakyan na ginamit ng Filipino Champ Car Racer na si Mike Potenciano na brand ambassador din ng Petron.


 

Marami sa mga dumalo ay humangan sa dami ng mga makabago at classic na sasakyan na dito lamang sa naturang event makikita.

 

Ngayong araw, April 4 ang kick-off ng nasabing event at magtatagal ito hanggang  April 7 araw ng linggo.

Facebook Comments