Tinukoy ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang tatlong port sa bansa bilang pangunahing transit points ng iligal na droga.
Ito ay ang Manila International Container Port, Subic, at PHIVIDEC sa Cagayan de Oro.
Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, nasa 10,000 containers ang dumadaan sa mga pantalan na ito kada araw, at mapaparalisa ang ekonomiya kung isa-isa pa itong bubuksan at iinspeksyunin.
Dahil dito, tututukan ng gobyerno ang supply side o mga supplier at pinagmumulan ng droga, kabilang na ang drug importer mula sa consumption side o street level.
Nakikipagtulungan na rin umano ang pamahalaan sa anti-drug entities ng ibang bansa tulad ng US drug enforcement administration, upang kaagad na maharang ang pagpasok ng suplay ng droga.