Tuesday, January 27, 2026

Manila LGU at Intramuros Administration, hinihikayat ang publiko sa gaganapin Earthquake drill

Muling inaabisuhan at hinihikayat ang publiko partikular ang mga residente at mga establisyimento na makiisa sa gagawing Intramuroswide Earthquake Drill.

Sa abiso ng lokal na pamahalaan ng Maynial at Intramuros Administration, gaganapin ang nasabing earthquake drill sa January 30, 2026 sa alas-10:00 ng umaga.

Pangungunahan ito ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office kung saan layunin nito na mapalakas ang kaalaman, kahandaan, at tamang pagtugon sa oras ng lindol.

Kaugnay nito, patuloy ang pagbibigay-paalaala ng Manila DRRMO sa publiko sa pamamagitan ng pagkakabit ng tarpaulin sa loob ng Intramuros.

Paraan ito upang masigurong maaabot ang lahat ng sektor ng komunidad ang impormasyon hinggil sa earthquake drill.

Umaasa ang Manila LGU at Intramuros Administration na makikiisa ang lahat ng residente, establisyimento, opisina, at mga tanggapan ng pamahalaan hinggil sa nasabing pagsasanay.

Facebook Comments