Manila LGU at MPD, all set na sa selebrasyon ng Chinese New Year

All set na ang ginawang paghahanda ng Manila Police District (MPD) at lokal na pamahalaan ng Maynila para sa Chinese New Year.

Mahigpit na seguridad ang ipinapatupad sa paligid ng Binondo habang handa na ang gagawing mga program tulad ng fireworks display, float parade, dragon dance at solidarity parade ng Filipino-Chinese Community.

Bentang-benta ngayon ang iba’t ibang flavor ng tikoy habang ang mga kababayan nating Pinoy lalo na ang mga negosyante ay kaniya-kaniyang bili ng mga lucky charm.


Nabatid na mabibili rito ang kada bracelet ng lucky charm sa halagang ₱100-₱300, habang ang mga ponkan plant o na nasa paso ay umaabot ng ₱500-₱1,500 depende sa laki at disenyo.

May mga mamahalin rin na lucky charm na ang presyo ay pumapalo ng ₱1,500-₱10,000.

Ang ilan namang Chinese product ay mabibili sa itinayong bazaar sa gitna mg Plaza San Lorenzo Ruiz.

Nagpapa-alala naman ang Manila Local Government Unit (LGU) sa mga motorista, hinggil sa mga isasarang kalsada sa paligid ng Binondo mamayang gabi para sa grand celebration ng Chinese New Year.

Facebook Comments