Hinihimok ng lokal na pamahalaan ng Maynila at Manila Police District (MPD) ang publiko na makikibahagi sa selebrasyon ng Chinese New Year na sumunod sa health protocols kontra COVID-19.
Ito’y upang maging ligtas sa masabing sakit at maiwasan na magkaoon ng hawaan kung saan pinapayuhan ang lahat magsuot pa rin ng face mask kahit pa nasa labas o open air ang ilang mga aktibidad.
Nabatid na inaasahang dadagsa ang publiko sa may bahagi ng Binondo na sentro ng nasabing selebrasyon kaya’t todo handa na ang Manila Local Government Unit (LGU) at MPD sa pagpapatupad ng kaayusan at seguridad.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng MPD ang mga magtutungo sa China Town na ingatan ang mga bitbit na gamit tulad ng alahas, cellphone, wallet at iba pa.
Patuloy naman magmo-monitor ang buong pwersa ng MPD para walang makalusot na indibidwal o grupo na nais gumawa ng gulo.
Mula ngayong araw hanggang Linggo o sa araw mismo ng Chinese New Year ay nag-ikot ang mga tauhan ng MPD-SWAT, Bike Patrol Unit at mobile patrol ng nakakasakop na police station sa Binondo habang nakabantay rin ang iba pang tauhan ng MPD sa ibang bahagi ng lungsod ng Maynila.